Nag mini-concert si People's Champ Manny Pacquiao bilang pasasalamat sa kanyang tagumpay sa katatapos na laban nila ni Miguel Cotto. At sa gitna ng kontrobersya sa kanilang mag-asawa, sinuyo ni Pacman sa harapan ng mga manonood ang misis na si Jinkee.
11/20/2009 11:02 PM
Selyado na ang alyansa sa pagitan ng Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar at Kilusang Bagong Lipunan ng pamilya Marcos. Ayaw namang ungkatin pa ni Villar ang isyu ng nakaw na yaman at paglabag sa karapatang pantao noong rehimeng Marcos na tiyak na ipupukol sa kanyang pakikipag-alyansa sa anak ng dating diktador.
11/20/2009 11:01 PM
Binigyan ng Pangulo ng isa sa pinakamataas na parangal ng bansa si People's Champ Manny Pacquiao. Dahil sa parangal na ito, kaliga na ni Pacquiao ngayon ang mga bigating personalidad tulad ni US Secretary of State Hillary Clinton.
11/20/2009 10:58 PM
Minaliit ni Floyd Mayweather Jr. ang kakayahan ni Manny Pacquiao bilang boksingero pero bwelta naman ng coach na si Freddie Roach, kayang-kayang talunin ni Pacquiao si Mayweather kung matuloy ang inaabangang laban.
11/20/2009 10:58 PM
Hindi napigilan maging ng mga artista na makisawsaw na rin sa pagkakaugnay umano nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo. Maging ang ilang aktres na na-link kay Pacman, may hirit sa isyu. May shocking photos din ang singer-dancer na si Mocha habang kahalikan si Krista.
11/20/2009 10:57 PM
Unang gabi ng burol ni Johnny Delgado, dinagsa ng mga kaibigan sa showbiz. Kagabi pa lang, nagsidatingan na ang pinakamalapit niyang kaibigan sa industriya gaya nina Sandy Andolong, Edgar Mortiz at Al Tantay. Para naman sa asawa ni Johnny na si Direk Laurice Guillen, masaya siyang matiwasay na namayapa ang kabiyak.
11/20/2009 10:54 PM
Umarangkada na ang unang araw ng paghahain ng kandidatura para sa 2010. Naging mahigpit man sa gusali ng Comelec para masiguradong maayos ang filing ng certificates of candidacy, dit nito napigil ang tensyon nang magprotesta ang mga militante.
11/20/2009 10:53 PM
Naglunsad na ng manhunt operation ang NBI at PNP laban sa suspek sa pamamaslang sa anak ng isang Malacañang official, nang dahil lang sa gitgitan sa trapiko.
11/20/2009 10:50 PM