Patuloy ang ispekulasyon kaugnay sa tunay na relasyon nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo. Ngayon, lumitaw naman ang mga larawan nina Manny at Krista habang nasa Baguio. Nanindigan naman ang kampo ni Krista na mananahimik sa isyu hanggat hindi nauunang magsalita ang People's Champ. Nagpapatrol, Marie Lozano.
11/20/2009 1:31 AM
Pormal nang ipinroklama sa national convention ng Lakas-Kampi-CMD sina dating Defense Sec. Gilbert Teodoro jr. at TV host Edu Manzano bilang presidential at vice-presidential candidates ng partido sa halalan sa 2010. Inilatag na rin ni Teodoro ang kanyang plataporma sa kanyang mga ka-partido. Nagpapatrol, Jay Ruiz.
11/20/2009 1:31 AM
Sa atin pong kalulunsad pa lang na segment dito sa TV Patrol World, lahat ng naglalagablab na tanong sa isipan ni Juan de la Cruz, ibabato natin sa mga kinauukulan at maiinit na personalidad ngayon! Sa gabing ito, sasalang na sa ating "Juan on One" si Lakas-Kampi standard-bearer Gilbert Teodoro!
11/20/2009 1:31 AM
Hanggang sa pag-alis ni Manny Pacquiao sa Amerika, hinahabol pa rin siya ng isyung nag-uugnay sa kanya sa sexy star na si Krista Ranillo. Kapansin-pansin na magkahiwalay na dumating sa airport ang mag-asawang Manny at Jinkee. Mula sa Amerika, nagpapatrol, Los Angeles correspondent, Ivy Guevara.
11/20/2009 1:31 AM
Sa kabila ng kontrobersya sa personal na buhay, kasado na ang hero's welcome para sa pound-for-pound king na si Manny Pacquiao bukas. Pero nag-request si Pacman na iklian muna ang ruta ng kanyang parada. Nagpapatrol, TJ Manotoc.
11/20/2009 1:31 AM
Lumipad pa-Australia ang magkasintahang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez para dumalo sa kasal ng dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren. Si Regine pa mismo ang napiling umawit sa wedding march. Exclusive, nagpapatrol, Australia bureau chief Gigi Grande.
11/20/2009 1:31 AM
Pumanaw na ang batikang aktor na si Johnny Delgado ala una kinse ng hapon kanina. Bumigay na ang katawan ng 61 anyos na aktor matapos ang matagal na pakikipaglaban sa kanser na lymphoma.
11/20/2009 1:31 AM
Nagbuhos ng sama ng loob ang pamilya ni Jinkee Pacquiao sa isyu ng pagkakaugnay ni Pacman sa sexy star na si Krista Ranillo. Ang ama ni Jinkee, hindi na raw manonood ng pelikula ng manugang! Exclusive mula Sarangani, nagpapatrol Jay Dayupay.
11/20/2009 1:31 AM