Posible raw magkagulo sa mismong araw ng botohan kung hindi uunahin ng Comelec ang training at information campaign tungkol sa automation! At clustering o pagsasama-sama ng voting precincts, pinangangambahang makalito at makabagal pa sa botohan! Nagpa-Patrol Ina Reformina. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:17 AM
Bumirit nang todo ang Kapamilya star na si Rhap Salazar sa kanyang guesting sa sikat na "Ellen Degeneres Show" sa Amerika! Standing ovation ang crowd, habang napa-wow ang host sa husay ng Pinoy! ‘yan sa pagpa-Patrol ni Gretchen Fullido. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:17 AM
Nagliwanag ang Meralco compound sa Ortigas sa pag-iilaw ng libo-libong Christmas lights. Pwuede ring pasyalan nang libre ang lugar kasama ang buong pamilya. Mula sa Ortigas, Pasig nagpa-Patrol Jenny Reyes. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:16 AM
Kung si Senador Manny Villar naimbestigahan sa Senado dahil sa C-5 road extension controversy, nahaharap din ngayon sa imbestigasyon sa Kamara ang kanyang katunggali sa pagka-pangulo na si Senador Benigno Aquino III. Sentro ng congressional inquiry ang umano'y sobra-sobrang kinita ng pamilya Cojuangco at Aquino sa SCTEx project. Nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:15 AM
Naging madugo ang engkwentro sa pagitan ng mga residente at mga pulis nang i-demolish ang mahigit 100 bahay sa paligid ng isang mosque sa Baclaran kaninang umaga.
Sa eksklusibong video na nakuha ng ABS-CBN, kitang-kita ang nangyaring batuhan at barilan, ganun din kung paano natamaan ng bala ang isa sa mga residente. Nang humupa ang gulo, 3 ang namatay at halos 20 ang sugatan. Nagpa-Patrol, Dominic Almelor. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:14 AM
Lumabas na sa Senado ang resolusyong pirmado ng 12 senador na humihiling na ibasura na ang reklamo laban kay Senador Manny Villar sa isyu ng umano'y anomalya sa C-5 road extension. Pero sa halip na makatulong, mukhang makakasama pa ito kay Villar, dahil natuklasang nalinlang umano sa pagpirma ang ilang senador. Nagpa-Patrol, Jorge Cariño. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 5:13 AM
Hindi nakalusot sa camera ang matinding pag-iyak ng asawa ni Pacman na si Jinkee Pacquiao sa thanksgiving mass sa Las Vegas. Patunay nga ba ito na may lamat na ang relasyon ng dalawa? Sa unang pagkakataon, eksklusibong bumwelta si Pacman sa mga nag-uugnay sa kanya sa sexy star na si Krista Ranillo. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 4:38 AM
Ayaw paawat ni Rosanna Roces sa mga banat sa pamilya Revilla. Tutuluyan na raw nyang kakasuhan ang mga ito kapag hindi pa nya nakita ang apo sa lalong madaling panahon. Nagpa-Patrol Gretchen Fullido. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 4:29 AM