Ibat-ibang eksena sa mga panooran ng laban ni Manny Pacquiao sa Kamaynilaan, tinambayan ni Marc Logan. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009
11/16/2009 2:25 AM
Dito sa atin, dumagundong din ang hiyaw ng suporta para sa People's Champ sa mga probinsya! Sabik na sabik na rin sa kanyang pagdating ang mga kababayan sa General Santos City at sa lalawigan ng Sarangani. Nagpa-Patrol, Jay Dayupay. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009
11/16/2009 2:24 AM
Halos wala ring pagsidlan ng tuwa ang mga kababayan nating nasa ibat-ibang panig ng mundo dahil sa panalo ni Pacquiao! Lahat sila, nagpapasalamat sa kampeon na ilang ulit na raw nagbibigay sa kanila ng dahilan para lalong ikarangal ang kanilang pagiging Pinoy! Nagpa-Patrol Willard Cheng. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009
11/16/2009 2:08 AM
Gumihit ng kasaysayan si "Pound for Pound King" Manny Pacquiao matapos dominahin ang Puerto Rican na si Miguel Cotto sa kanilang salpukan. Kauna-unahang boksingero si Pacman na makakuha ng 7 world title sa 7 boxing divisions. Iuuwi rin ni Pacman ang kauna-unahang diamond belt ng WBC Nagpa-Patrol mula sa Las Vegas, Nevada, si Dyan Castillejo. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009. With footage from fight courtesy of Solar Entertainment
11/16/2009 2:07 AM
Nasa Amerika na pero hindi pa rin talaga nagpaawat sa pagkukulong si Nanay Dionisia Pacquiao para makapagdasal! May mabigat din siyang hiling sa anak na lalong hinangaan ngayon ng buong mundo! Mula Las Vegas, Nevada, nagpa-Patrol North America correspondent Bev Llorente. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009
11/16/2009 2:00 AM
Wala namang bakanteng puwesto sa lahat ng mga lugar at establisyimentong binuksan para sa libreng panunuod ng sagupaang Pacquiao-Cotto!
Sulit na sulit naman ang ginastos ng ating mga kababayang nagbayad pa, mapanuod lang ng "live" ang sagupaang Pacquiao at Cotto! Nagpa-Patrol sina Cecille Lardizabal at Jeff Canoy. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009
11/16/2009 1:58 AM
Sa bisperas ng pag-aalis ng Executive Order 839 o price freeze, handa na ang mga tindera sa palengke at maging sa mga grocery at supermarket sa magiging galaw ng presyo ng mga bilihin simula bukas. Alamin kung anong mga produkto ang tataas ang presyo sa pagpa-Patrol ni Apples Jalandoni. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009
11/16/2009 1:57 AM
Napatunayang walang binatbat ang lakas ni Cotto sa bilis at lakas ng pambato ng mga Pinoy! Ito ang nagkakaisang pananaw ng mga boxing experts na nagsasabing tunay ngang si Pacquiao ang pinakamagaling sa kasaysayan ng boksing ngayon! Nagpa-Patrol TJ Manotoc. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009. With footage from fight courtesy of Solar Entertainment
11/16/2009 1:56 AM